TUGUEGARAO CITY- Nagpositibo ang 60 sa confirmatory o RT PCR test mula sa 61 na nagpositibo sa antigen test na mga kumuha ng Licensure Examination for Teachers sa Region 2.
Sinabi ni Dr.Nica Taloma ng Department of Health na agad silang nagsagawa ng contact tracing sa mga close contacts ng mga nagpositibo sa anti- gen at sila ay inihiwalay sa ibang rooms ng examination facility kung saan pinayagan pa rin silang kumuha ng pagsusulit.
Aniya 48 ang natukoy nila na close contact ng mga nasabing nagpositibo.
Subalit ang mga positibo sa antigen test ay hindi na pinayagan na mag-exam dahil ito ang guidelines na mula sa professional regulation commission at ng IATF.
Sinabi pa ni Taloma na agad din nilang ipinaalam sa LGU ang mga nagpositibo sa rt-pcr test para sa kaukulang hakbang tulad na lamang ng contact tracing.
Ayon pa sa kanya, isinailalim din sa quarantine ang isang nagnegatibo sa RT-PCR test kung saan ay muling isasagawa sa kanya ang repeat test pagkatapos ng lima hanggang pitong araw.
Sa nasabing bilang ng mga nagpositibo sa rt-pcr test, 25 lima ang mula sa isabela, 20 sa cagayan, 11 sa kalinga, dalawa sa apayao, 1 sa nueva vizcaya at isa sa quirino.
Samantala, sinabi ni taloma na pinaplano na ngayon ang pagpapadala ng augmentation ng mga medical health workers sa Batanes.
Sinabi niya na sa ngayon ay nagsabi na ang bureau of fire protection na handa silang magbigay ng apat na medical staff para sa Batanes.
Ayon sa kanya, kailangan ngayon ng Batanes ng mga medical staff dahil sa biglang pagtaas ng kaso ng covid-19 sa kanilang lugar na nasa mahigit 300 na.