Binunot at sinunog ng pulisya ang nadiskubreng P600,000 halaga ng tanim na marijuana, ngayong araw sa bayan ng Tinglayan, Kalinga.

Nabatid na natunton ng mga pulis ang marijuana plantation sa Barangay Tulgao East habang nagsasagawa ng pagpapatrolya ang Tinglayan Police.

Gayunman, walang naarestong suspek mula sa nasabing 150 square meter na plantasyon ang mga otoridad.

Kilalang taniman ng marijuana o kilala sa tawag na damo ang rehiyon ng Cordillera dahil sa malamig na panahon at mainam na klima nito.

Subalit dahil sa ipinagbabawal ng batas, mahigpit itong binabantayan ng mga otoridad dahil sa kabilang ito sa mga iligal na droga sa ilalim ng Dangerous Drugs Act of 2002.

-- ADVERTISEMENT --