TUGUEGARAO CITY- Bumalik na kaninang umaga sa kanilang mga tahanan ang 61 families na binubuo ng 142 individuals na binaha kahapon sa bayan ng Claveria, Cagayan matapos ang flash flood bunsod ng ilang oras na buhos ng ulan.

Sinabi ni Michael Conag ng Office of the Civil Defense Region 2 na umabot hanggang baywang ang tubig- baha sa apat na barangay sa Claveria na kinabibilangan ng Taggat sur at Norte, Kilkiling at Mabnang.

Ayon pa kay Conag, cleared na rin ang national road sa Brgy. Kilkiling na mula Cagayan to Manila and vice versa matapos ang flash flood.

Sinabi pa ni Conag na bukas na rin ang one lane ng Patapat bridge sa Pagudpud, Ilocos Norte na daan papasok ng Cagayan at vice versa matapos ang landslide.

Idinagdag pa ni Conag na passable na ang lahat ng national roads sa bayan ng Santa Praxedes matapos na agad na nagsagawa ng clearing operation ang DPWH sa mga debris na mula sa mga kabundukan.

-- ADVERTISEMENT --