TUGUEGARAO CITY- Muling nakapagtala ng 61 panibagong kaso ng delta variant ng covid 19 ang Lambak ng Cagayan.

Sa datos ng Department of Health, nanguna pa rin ang lalawigan ng Isabela na may mataas na bilang ng

tinamaan ng delta variant sa bilang na 25.

Ito ay mula sa Benito Soliven, Echague, Luna at San Mariano na nakapagtala ng tig-dalawang kaso habang

tig-is naman sa Aurora, Cabagan, Cabatuan, Cordon, Delfin Albano, Jones, Mallig, Ramon, San Agustin,

-- ADVERTISEMENT --

San Isidro, San Manuel, San Mateo, Santo Tomas, Tumauini at siyudad ng Cauayan, Ilagan at Santiago.

Sa lalawigan ng Cagayan ay naitala ang 17-bagong kaso ng Delata Variant kung saan dalawa sa

Camalaniugan at tig-isa sa Abulug, Alcala, Amulung, Baggao, Ballesteros, Enrile, Gonzaga, Iguig, Lal-

lo, Lasam, Sanchez-Mira, Sta. Ana, Solana, Tuao at Tuguegarao.

Labing-isa naman ang naitala sa Nueva Vizcaya habang tig-apat na kaso sa lalawigan ng Batanes at

Quirino.

Ang mga naitalang kaso ng Delta variant ay nakarekober na sa sakit maliban sa naitalang nasawi sa bayan

ng Gonzaga at Solana, Cagayan.

Patuloy naman ang ginagawang case investigation at contact tracing ng RESU sa pamamagitan ng Special

Action Team (SAT) gayundin ang kanilang ugnayan sa mga apektadong LGU para agapan ang pagkalat ng

naturang variant of concern.

Kaugnay nito, muling nagpaalala ang doh sa publiko na mahigpit pa rin na sumunod sa mga anti-covid 19

protocols para tuluyang mapababa ang kaso.