TUGUEGARAO CITY- Umakyat na sa 810 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Tuguegarao City matapos madagdagan ng 61 panibagong nagpositibo sa virus, batay sa pinakahuling ulat ng pamahalaang panlungsod.
Sa kabuuan nitong May 31, sumipa na sa 6,195 ang kumpirmadong kaso sa lungsod habang 5,291 naman ang mga gumaling sa nakakahawang virus at nasa 94 ang naitalang nasawi.
Patuloy naman ang panawagan ng City Government na sumunod sa Minimum Health Standards upang makatulong sa pag-iwas sa local transmission.