
Umabot sa 66 katao ang nasawi matapos bumagsak ang isang military plane habang papalipad sa Colombia nitong Lunes.
Ayon sa mga awtoridad, sakay ng Lockheed Martin C-130 Hercules ang 128 katao, kabilang ang mga sundalo at pulis.
Pinaniniwalaang nagkaproblema ang eroplano sa dulo ng runway bago ito bumagsak at magliyab.
Batay sa imbestigasyon, nahirapan ang mga rescuers na marating ang lugar ng insidente dahil sa liblib na lokasyon.
Kaugnay nito, nasa 57 indibidwal naman ang nakaligtas na agad dinala sa ospital.
Samantala, nanawagan si Columbia President Gustavo Petro ng mas mabilis na modernisasyon ng militar kasunod ng trahedya.
Sa ngayon, isinasagawa na rin ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng aksidente habang patuloy pa ang rescue operations para sa mga nawawala.










