TUGUEGARAO CITY- Muling naitala ang karagdagang 67 na mga bagong kaso ng COVID-19 Delta variant sa Region 2.
Sa datos ng Department of Health, mula sa naturang bilang ay 28 ang naggaling sa lalawigan ng Isabela kung saan apat rito ang mula sa Santiago City, tatlo sa San Isidro, tig-dalawa sa Cauayan City, Echague at Gamu.
Habang may tig-isang kaso rin ang mga bayan ng Alicia, Aurora, Benito Soliven, Burgos, Cabagan, Cabatuan, Luna, Mallig, Naguilian, Quezon, Ramon, Roxas, San Manuel, San Mateo at City of Ilagan.
Mayroon namang 26 na mga bagong kaso sa Cagayan, 11 rito ang mula sa Tuguegarao City, tig-2 sa Sto. NiƱo at Solana at tig-isa sa mga bayan ng Alcala, Amulung, Aparri, Baggao, Ballesteros, Camalaniugan, Iguig, Lasam, Pamplona, Sta. Praxedes at Tuao.
Samantala, mayroon namang pitong kaso ang nagmula sa Nueva Vizcaya, apat sa Quirino Province at dalawa sa lalawigan ng Batanes.
Ayon pa sa ahensya, ang mga naturang kaso ay pawang local cases.
Anim ang naitalang nasawi habang nakarekober na ang iba pang mga pasyente.