Tuguegarao City- Nakauwi na sa Cagayan ang nasa 66 na unang bach ng mga locally stranded individual (LSI) mula sa Metro Manila.

Sa panayam kay Mike Pinto, head ng technical working group ng balik probinsiya program, inaasahan pa na ngayong araw ay dumating pa ang 2nd batch ng mga ito.

Sa huling datos ay aabot na aniya sa mahigit 700 na katao ang nakapagrehistro na online.

Ayon kay pinto ay nasa 22 na pasahero lamang ang dapat lamanin ng bawat bus habang mahigpit ding ipinatutupad ang social distancing at iba pang mga preacautionary measures.

Sa ngayon ay nasa mga quarantine facilities na ng bawat LGUs ang mga umuwing indibiduwal matapos dumaan sa iba pang mga pagsusuri.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, umabot rin sa mahigit 60 na mga LSI mula sa kabuuang bilang na mahigit 900 Cagayan ang napa-uwi na rin sa kanikanilang mga lugar sa ilalim din ng “alis Cagayan program”.

Muli namang ipinaliwanag ni Pinto na ang mga manggagawang na stranded sa probinsyang nais bumalik sa trabaho ay kailangang magdala ng employment ID, kumuha ng Barangay Certificate kung saan nastranded bilang patunay at medical certificate.

Sa mga residente namang uuwi sa kanikanilang lalawigan ay kailangan ding kumuha ng travel authority at medical certificate.

Inihayag pa nit Pinto na patuloy pa ang pagtanggap at pag beripika ng kanilang tanggapan sa mga aplikasyon ng mga nagnanais umalis at umuwi ng probinsiya.