Tuguegarao City- Umaasa ang National Anti Poverty Commission (NAPC) na bibigyang pansin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isinusulong na “Local Industrial Development Authority” ngayong panahon ng pandemya.

Sa panayam kay John Laña, National Director ng NAPC, isa ito sa nakikita nilang paraan upang masolusyunan ang kahirapan habang nahaharap ang lahat sa krisis bunsod ng COVID-19.

Aniya, ang paglilikha ng mga trabaho at produkto ang isa sa epektibong sagot upang tulungan ang publiko lalo na sa mga probinsya.

Paliwanag nito, kailangang tutukan ng pamahalaan ang pagpapaunlad sa manufacturing services ng mga probinsya bilang tugon din sa inilunsad na balik probinsya program ng gobyerno.

Inihalimbawa pa nito ang pagsuporta sa mga Micro Small Medium Enterprises (MSMEs) at iba pang programa na maaaring ialok bilang alternatibo sa publiko.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon pa kay Laña, hindi sagot ang pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) kundi dapat ay panimulang puhunan ang ibigay ng pamahalaan upang may pagkakitaan ang publiko.

Sa ngayon ay patuloy namang isinusulong ng NAPC ang kanilang mungkahing “creation of local enterprise” bilang tugonna tulungan ang publiko na magkaroon ng kita at trabaho.

Naniniwala pa si Laña na sa pamamagitan ng ganitong hakbang ay unti-unting matutugunan ng bansa ang mandato kaugnay sa “reduction of poverty”.