Inaresto ang nasa 69 Chinese nationals matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang steel plant sa Tagoloan, Misamis Oriental na iniuugnay sa negosyanteng si Tony Yang.

Pinagsilbihan ng search warrant ng magkasanib na puwersa ng AFP, PAOCC, NBI, at iba pang law enforcement agencies ang compound ng Philippine Sanjia Steel Corp., kung saan tinutunaw umano ang imported at lokal na bakal.

Batay sa paunang imbestigasyon, posibleng mapanganib umano sa kalusugan ang mga materyales na pinoproseso sa planta at maaaring magdulot ng panganib sa mga manggagawa at kalapit na komunidad.

Nagbabala rin ang mga awtoridad na posibleng substandard at delikado para sa mga proyekto sa konstruksyon ang mga produktong bakal na ginagawa sa naturang pasilidad.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa operasyon ng planta.

-- ADVERTISEMENT --