Naapektuhan ng El Nino ang mahigit anim na milyong indibidwal sa bansa, ayon sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Hanggang nitong Hunyo 30, nasa kabuuang 6,088,057 katao o 1,585,826 pamilya ang apektado sa 7,697 barangay.
Ang mga ito ay mula sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Caraga, Cordillera Administrative Region, at Bangsamoro.
Sinabi ng DSWD na naipamahagi na ang mahigit P672.2 milyong halaga ng humanitarian assistance sa mga apektado.
Mayroon ding P2.4 bilyong available na relief resource na binubuo ng P2.3 bilyong halaga ng food at non-food items, at P101.7 milyong halaga ng standby funds.
Noong Hunyo, matatandaan na inanunsyo ng PAGASA na nagtapos na ang El Nino.