Inihalal bilang bagong House Speaker ng 20th Congress si 6th District Isabela Rep. Faustino “Bojie” Dy III.

Sa ginanap na botohan ng Kamara de Representantes matapos ang pormal na pagbibitiw ni Speaker Martin Romualdez ngayong Miyerkules, Setyembre-17, nakuha ni Dy ang mayorya ng boto mula sa mga representante.

Si Dy ang kasalukuyang Deputy Speaker ng Kamara, siya ay mula sa alyansa ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na Partido Federal ng Pilipinas (PFP).

Nagsilbi siyang Gobernador ng Isabela taong 2010 hanggang 2019 at Bise Gobernador taong 2019 hanggang 2025.