Tinatayang nasa pitong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nakaengkwentro ng kapulisan sa Bry. Mabuno, Gattaran Cagayan, kaninang umaga.
Nagsimula ang bakbakan nang paputukan ng mga umanoy rebeldeng grupo sa di kalayuan ang mga kasapi ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Cagayan Police Provincial Office sa ginagawang “PNP Libre Project Pabahay” sa Sitio Sicalao.
Ayon kay Brgy Chairman Hernes Ramos ng Brgy. Mabuno, tumagal ng limang minuto ang putukan ng magkabilang panig, kung saan agad nagpasaklolo ang PNP sa Alpha Company ng 77th Infantry Battalion, Philippine Army.
Maswerte namang walang nasaktan sa mga pulis at maging sa mga sibilyan.
Nakuha sa pinangyarihan ng bakbakan ang ilang pares ng tsinelas, wifi at ilang gamit pangluto na hinihinalang pagmamay-ari ng mga NPA.
Samantala, pinangangambahan naman ni Ramos na hindi na matutuloy ang pabahay program dahil sa takot ng mga residente sa lugar.