Inaayos na ng mga otoridad ang pagsundo sa limang nakaligtas na tripulante at dalawang pasahero ng bangkang MB Ren-Zen 2 na dalawang araw na napaulat na nawawala matapos itong magkaaberya habang papunta sa Calayan, Cagayan.
Ayon kay Joe Robert Arirao ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Calayan, pawang ligtas ang pitong sakay ng lampitaw at pansamantalang nasa pangangalaga ng mga barangay officials sa Dalupiri island.
Sinabi ni Arirao na nagawang makabalik sa naturang isla ang bangka upang humingi ng tulong sa kabila ng sira nito na dulot ng malakas na hangin at alon bunsod ng masamang panahon.
Nagbigay naman ang Brgy officials ng tubig, pagkain at gayundin ang internet service sa mga pasahero upang makontak ang kanilang pamilya.