Nagkaroon ng matinding labanan sa pagitan ng puwersa na may kaugnayan sa bagong namumuno sa Syria sa mga mandirigma na tapat sa napatalsik na si Bashar al-Assad sa isang coastal area ng bansa.

Ito ang pinakamatinding karahasan sa Syria buhat nang mapagbagsak ng mga rebelde si Assad noong Disyembre at nagtatag sila ng Islamist transitional government.

Ayon sa war monitoring group, ang British-based Syrian Observatory for Human Rights, mahigit 70 katao ang namatay.

Nagpatupad na rin ng curfew sa port cities ng Latakia at Tartous, kung saan sumiklab ang labanan.

Nagsimula ang labanan nang tambangan ang puwersa ng pamahalaan habang nagsasagawa ng security operation sa Latakia.

-- ADVERTISEMENT --

Ang coastal region ang sentro ng Alawite minority, at stronghold ng Assad family.

Kaugnay nito, sinabi ng Alawite activists na naging puntirya sila ng karahasan at pag-atake buhat nang bumagsak ang pamahalaan ni Assad, lalo na sa Homs at Latakia.

May mga ulat din ng labanan sa lungsod ng Homs at Aleppo.