TUGUEGARAO CITY-Umabot sa 7,175 ang naging benipisaryo ng Bombo Medico 2019 sa lungsod ng Tuguegarao.

Pasado alas kwatro kanina ay tuluyan ng natapos ang aktibidad kung saan 1,511 ang naging benipisaryo sa medical, 489 sa dental ,1132 sa eye check-up at 4043 sa iba pang serbisyo na kinabibilangan ng libreng gupit, tuli, masahe, blood sugar test, HIV test , libreng legal consultation, Blood letting activity at pamamahagi ng mga school supplies para sa mga mag-aaral.

Kaugnay nito, labis ang pasasalamat ng mga benipisaryo sa Bombo Radyo Philippines.

Samantala, humigit kumulang sa limampung doktors naman ang nakibahagi sa aktibidad ,kabilang na ang mga nurses at mga medical student ng Saint Paul University Philippines ang nakiisa kung kaya’t napaagang natapos.

Umabot naman sa P1.5 milyon ang halaga ng gamot na naipamahagi sa mga benipisaryo,ito’y sa tulong narin ng mga sponsors.

-- ADVERTISEMENT --