TUGUEGARAO CITY- Nagsasagawa na ng interogasyon , imbestigasyon at inventory ang mga otoridad sa isang villa at resort sa Brgy. Rapuli, Sta. Ana, Cagayan na sinalakay dahil sa online illegal gambling na kinasasangkutan ng mga Chinese nationals..

Sinabi ni PCOL. Ariel Quilang, directror ng PNP Cagayan na 73 Chinese nationals at tatlong Filipino ang naaresto sa operasyon ng mga otoridad kagabi.

Ayon kay Quilang ang subject ng search warrant ay isang Frank Yu na may-ari OFA Cagayan Estate Developer Corporation na may-aari umano ng nasabing online illegal gambling.

Nakuha sa lugar ang mahigit 100 desktop at laptopd computers na ginagamit sa online gambling.

-- ADVERTISEMENT --
ang tinig ni Quilang

Sinabi pa ni Quilang na noong Oktubre pa ng 2019 nasa Sta. Ana ang mga nasabing dayuhan.

Kasabay nito, sinabi ni Quilang na makikipag-ugnayan sila sa Bureau of Immigration ang mga PNP para malaman kung legal na pumasok ang mga ito bansa.

Idinagdag pa ni Quilang na paglabag sa Anti-Illegal Gambling Law at Cyber Crime Prevention Act.