Umaabot sa 753 personnel ng Philippine National Police (PNP) ang natanggal sa serbisyo buhat noong April 2024 dahil sa grave offenses.

Batay sa pahayag ng PNP, 493 sa mga nasabing pulis ang tinanggal dahil sa absence without official leave (AWOL), 38 ay dahil sa illegal drugs, 18 ay dahil sa robbery/extortion, at 15 dahil sa carnapping.

Ang iba pang pulis na tinanggal sa serbisyo ay dahil sa homicide, murder, rape, at graft/malversation.

Kaugnay nito, sinabi PNP chief Police General Rommel Marbil na ang kanilang misyon ay pagsilbihan at protektahan ang publiko, at hindi lumikha ng takot o pang-aabuso sa kapangyarihan.

Binigyang-diin niya na walang puwang sa PNP ang mga pulis na napatunayang nagkasala dahil sa misconduct o illegal activities.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi niya na karapat-dapat sa mga mamamayan ang mapagkakatiwalaan at professional police organization.

Ayon sa PNP, lahat ng disciplinary actions ay dumaan sa due process, patas na imbestigasyon, at administrative review.

Iginiit pa na prayoridad ng PNP ang internal monitoring at mahigpit na pagpapatupad ng mga patakaran upang mapanatili ang kanilang kredibilidad.

Idinagdag pa ng police organization na patuloy ang pagpapatupad ng ethics training, internal audits, at performance monitoring para matiyak na ang mga pulis ay manatiling competent at mapagkakatiwalaan.

Mula January 1, 2022 hanggang February 12, 2025, sinabi ng PNP na umaabot na sa 2,598 na personnel ang tinanggal sa serbisyo.