Nagtapos ang 79 families sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa kauna-unahang seremonya ng pagtatapos na ginanap sa sa isla ng Calayan, Cagayan.
Sinabi ni Lucia Alan, direktor ng DWSD Region 2, ang nasabing seremonya na pinamagatang “Pammadayaw na Paggradua na Pantawid Pamilya” ay naglalayong kilalanin ang tagumpay ng mga pamilyang umangat mula sa laylayan ng kahirapan at ngayo’y maituturing na “self-sufficient” ang kanilang antas ng pamumuhay.
Ayon kay Alan, ipinapaubaya na nila sa LGU Calayan ang patuloy na pagtulong at pagsuporta sa mga graduate sa programa upang hindi na sila bumalik sa kanilang dating estado ng pamumuhay.
Samatala, masayang ibinahagi ni Joy Abuyuan Conde, mula sa Barangay Balatubat, isa sa nagtapos, na dahil sa 4Ps at Sustainable Livelihood Program ay umunlad ang kanilang pamilya at nanunungkulan na bilang pinuno ng kanilang barangay ang kanyang asawa.
Dahil dito, nagpasya ang mag-asawa na umalis mula sa programa upang mabigyan din ng oportunidad ang iba pang mahihirap na pamilya.
Pinarangalan din ng ahensya ang apat na mga benepisyaryo na nakapagtapos sa kanilang pag-aaaral sa kolehiyo.