
Magbubukas ng panibagong public auction ang Bureau of Customs (BOC) para sa mga nasamsam na luxury vehicle ng pamilyang Discaya sa Miyerkules, Pebrero 11.
Ayon sa BOC, walong sasakyan ang isasailalim sa subasta alas-10 ng umaga sa tanggapan ng BOC sa Port of Manila, batay sa ulat ng Super Radyo dzBB.
Kabilang sa mga ia-auction ang isang asul na Bugatti Chiron 2017 at isang pulang Bugatti Chiron 2019.
Bubuksan sa publiko ang mga sasakyan para sa viewing mula Pebrero 5 hanggang 6.
Noong Nobyembre, tatlo sa pitong nasamsam na luxury vehicle na pag-aari ng pamilyang Discaya ang naibenta sa isinagawang public auction.
-- ADVERTISEMENT --










