Nauwi sa trahedya ang isang pilgrimage sa Mukdahan Province, Thailand matapos araruhin ng isang pickup truck na minamaneho umano ng isang 11-anyos na batang lalaki ang grupo ng mga Buddhist monk.

Walo ang nasawi habang mahigit 20 iba pa ang nasugatan sa insidente.

Lima sa mga biktima ang idineklarang dead-on-the spot sa pinangyarihan, habang tatlo pa ang binawian ng buhay sa ospital.

Ayon sa mga awtoridad, nagsasagawa ng pilgrimage ang 34 na monghe at limang lay followers nang bigla silang mabangga ng pickup truck.

Sa imbestigasyon, napag-alamang kinuha umano ng bata ang sasakyan sa kanilang bahay at nakapagmaneho pa ng halos 10 kilometro bago naganap ang trahedya.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente habang nananatiling nasa state of shock ang bata at hindi pa makapagbigay ng pahayag.