Tuguegarao City- Nakapagtala ng walong kaso ng COVID-19 ang BFP Tuguegarao makaraang magkahawaan ang mga ito ng magpositibo ang isa sa kanila.

Sinabi ni FCI Pedro Espinosa, City Fire Marshall at Acting Provincial Director ng BFP Cagayan, na kasalukuyang nakasailalim ngayon sa quarantine sa Peoples General Hospital ang mga personnel.

Aniya, isa sa kanila ang nakitaan ng sintomas at ng suriin ay nagpositibo naman sa virus at nahawa ang kanyang mga kasamahan.

Paliwanag ni Espinosa, nakabase ang mga personnel sa kanilang tanggapan sa Don Domingo kaya’t nakasailalim ngayon ang mga ito sa quarantine sa mismong tanggapan.

Saad pa nito na nagsagawa rin sila ng pagsusuri sa pamilya ng mga nagpositibong tauhan ngunit negatibo sila sa virus.

-- ADVERTISEMENT --

Ikinatuwa naman niya na walang nagpositibo sa mga personnel ng BFP Tuguegarao Central Station ngunit kinakailangan aniya na magkaroon pa rin ng monitoring sa health status ng mga ito.

Sa ngayon ay nagtalaga na aniya sila ng Emergency Response Operation upang mangasiwa sa banta ng sunog habang naka quarantine ang mga tauhan sa bahagi ng Don Domingo.

Sinabi pa niya na may 10 personnel din ang na augment bilang kahalili ng mga tauhan na nangangasiwa sa pagproseso at pagbibigay ng mga certificates sa One-Stop-Shop operation katuwang ang Business and Licensing Office (BPLO) Tuguegarao.