Isinugod sa pagamutan ang isang walong taong gulang na batang babae mula sa Indiana, U.S. matapos dumaing ng pananakit ng tiyan.
Ikinagulat ng mga duktor nang makita sa x-ray ang 30 maliliit na laruang magnet ang bata na kinain ng bata.
Agad namang naalis ang mga magnet mula sa bituka ng bata matapos ang isang emergency operation.
Ayon sa mga sumuring duktor,mabuti na lang daw at hindi nagkumpul-kumpol ang mga nalulon na magnet dahil kung nagkataon, mawawasak ang internal organs ng bata.
Posible raw kasing magkadikit-dikit ang mga ito sa loob ng bituka dahil sa taglay na magnetismo.
Sa naging salaysay naman ng bata sa kanyang mga magulang na kinain niya umano ang mga magnet dahil sa ganda ng kulay na parang candy .
Samantala, sinabi naman ng kompanya na wala silang pananagutan sa nangyari dahil isa lamang itong isolated na insidente.