Isang 80 anyos na lola ang sumali sa Miss Universe South Korea 2024.
Itinuturing ngayon si Choi Soon-hwa bilang pinakamatandang aspiring Miss Universe candidate.
Nitong mga nakalipas na taon, tinanggal na ng Miss Universe Organization ang mga restrictions, tulad ng edad, marital status, at kung may anak man o wala ang kandidata.
Noong una ay kinuwestiyon ng pamilya ang plano niya, pero kalaunan ay sinuportahan siya.
Isinantabi ni Choi ang kanyang pangarap noon para sa pamilya.
Marahil ay lamang ang mga katunggali ni Choi pagdating sa youthful looks, pero lamang si Choi pagdating sa kanyang mga karanasan sa buhay.
Isinilang si Choi noong panahon ng World War II at survivor siya ng Korean War.
Bukod sa pagiging isang ina at lola, isa ring professional model si Choi.
Nagsimula siyang maging modelo noong siya ay 76 anyos.
Sa video interview, ibinahagi ni Choi kung paano siya napasok sa pagmomodelo sa kabila ng kanyang edad.
Nagtrabaho siya noon sa ospital para mabayaran ang malaking utang matapos tumulong sa ibang tao.
Pangarap aniya ni Choi noon ang maging modelo, pero nakalimutan niya ito habang nagkakaedad dahil itinuon niya ang atensiyon sa pagpapamilya.