Tuguegarao City- Umabot na sa 82 mula sa kabuuang bilang na 93 Local Government Units sa buong rehiyon ang nababaan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng pondo sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Sa panayam kay Chester Trinidad, tagapagsalita ng DSWD, dalawang bayan palamang sa rehiyon ang natapos ng mamahagi ng ayuda para sa kanilang mga identified beneficiaries.
Kabilang aniya dito ang Bayan ng Reina Mercedes at Alicia sa lalawigan ng Isabela.
Giit pa ni Trinidad na aabot sa mahigit 500,000 ang bilang ng pamilyang maaabutan ng ayuda sa ilalim ng SAP.
Ngayong araw ay nakatakda namang magtungo ang mga kawani ng DSWD sa Batanes upang iabot ang kanilang pondo para sa naturang programa.
Samantala, inihayag pa nito na sa bagong panuntunan ay kabilang sa mga mabibigyan ng ayuda ay ang mga Barangay Tanod, Barangay Health Workers at Daycare workers na kabilang sa hanay ng minimum wage earners.
Binigyang diin pa ng opisyal na susuriin pa rin ng naturang tanggapan ang mga karapat dapat na mabigyan sa nasabing ayuda.
Muli naman itong nagbigay ng babala sa mga opisyal na sakali mang mapatunayan na hindi karapatdapat sa programa ang nabigyan ng ayuda ay mapapatawan ng kaukulang parusa