TUGUEGARAO CITY – Kinumpirma ni Dr. Glenn Mathew Baggao, medical center chief ng Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City na may suspected covid-19 patient ang tumalon sa 4th floor ng ospital kaninang 2:00 ng madaling araw.
Gayonman, sinabi ni Baggao na pinamaimbestiga pa niya ang circumstances ng pagtalon ng 89 years old na babae na dead on the spot.
Sinabi ni Baggao na isa ang matanda sa mga pasyente na naka-quarantine sa CVMC.