Labis ang pag-alala ng ina ng 9-anyos na si Kade Lovell nang hindi niya makita sa finish line ng 5 kilometer race na sinalihan ng anak noong Setyembre 21.
Tinignan ng ina ang dinaanan ng karera kaya naiyak na siya nang walang makapagsabi kung nasaan ang kanyang anak.
Naligaw pala si Kade sa ruta ng karera at napunta sa 10 kilometer race
Nalaman na lang ng kanyang ina ang nangyari nang may nakapagsabing may batang nangunguna sa naturang karera.
Ayon kay Kade, itinuluy-tuloy na lang niya ang pagtakbo nang may nagsabi sa kanyang tapusin na lang niya ang 10 kilometer race dahil dere-deretso na lang naman ang kaila-ngan niyang takbuhin.
Sinunod naman niya ang payo ng nakakatanda sa kanya kaya hindi siya tumigil sa pagtakbo kahit doble pa ang distansiya nito sa una niyang planong takbuhin.
Sa huli, hindi lamang natapos ni Kade ang karera dahil pinanalunan pa niya ito ang naturang kompetisyon sa loob lamang ng 48 minuto – na mas mabilis ng isang minuto sa 40-anyos na pumangalawa sa kanya.