Tinanggal ng Bureau of Customs (BOC) ang siyam na personnel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 dahil sa pagkakasangkot sa extortion.

Sinabi ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno na ang insidente na nangyari noon pang Hunyo ang masusing sinisiyasat ngayon ng Internal Inquiry Division ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS).

Kinakailangan aniyang¬ alisin ang mga sangkot na personnel habang hindi pa tapos ang imbestigasyon.

Kasabay nito, binanggit ni Nepomuceno na pinatupad nila ang 24-hour complaint reporting policy upang matiyak na agarang maaaksiyunan ang misconduct ng mga BOC personnel.

Inisyu rin ang memorandum, may petsang Hulyo 24, 2025, na nag-uutos sa mga personnel na magsumite ng written complaint laban sa BOC personnel sa Office of the Commissioner sa loob ng 24 oras.

-- ADVERTISEMENT --