Nasa 9 miyembro ng Milisya ng Bayan (MB) ang kusang-loob na sumuko sa pulisya at militar sa bayan ng Gonzaga, Cagayan.
Bitbit ng mga ito sa kanilang pagsuko ang 7 ibat-ibang klase ng baril, dalawang hand grenade at mga bala.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo sa Police Regional Office No. 02, ang mga nagbalik-loob ay binubuo ng 8 lalake at 1 babae na sinasabing tagasuporta ng New People’s Army (NPA) sa lalawigan.
Isinailalim sa debriefing at psychosocial intervension ang mga sumuko na magiging benepisyaryo ng Expanded Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
Pinapurihan naman ni Regional Director, PCSupt. Jose Mario Espino ang pagsusumikap ng tropa ng pamahalaan sa pagsuko ng mga rebelde.
Ang pagsuko ng mga rebelde ay sa pakikipagtulungan ng PRO-02 Regional Intelligence Division; National Intelligence Coordinating Agency (NICA) RO2; Regional Inteligence Unit 2; Naval Forces Northern Luzon; Marine Batallion Landing Team 10; Regional Mobile Force Batallion 02; at MIG2