Inaasahang madedeklara nang drug cleared ang siyam na Barangay sa bayan ng Abulug sa mga susunod na araw.
Sa talakayan sa programang Good Morning Philippines, sinabi ni Pol. Maj. Ronald Ballod, hepe ng PNP-Abulug, na nakapagsumite na sila ng mga dokumento sa regionala oversight comittee bilang patunay na wala nang gumagamit o nagbebenta ng illegal drugs sa naturang siyam na barangay.
Sa dalawampung Barangay sa Abulug, isa rito ang hindi apektado ng ilegal na droga, apat ang drug cleared habang may apat pang Barangay ang kasalukuyang nasa ilalim ng Community Based Rehabilitation program sa kabuuang 690 tokhang responders.
Samantala, sinabi ni Ballod na kabuuang 43 ibat ibang uri ng armas ang nasa pangangalaga ng pulisya para sa implementasyon ng gun ban.