TUGUEGARAO CITY-Patuloy na inoobserbahan ng Department of Health (DOH)-Region 2 ang sampung katao na Patients Under Investigation (PUIs) ng Coronavirus Disease o COVID-19.

Ayon kay Pauline Atal ng DOH-Region 2, lima mula sa nasabing bilang ay mula sa Sanchez Mira at tig-isa sa bayan ng Iguig, Lasam dito sa probinsiya ng Cagayan at tig- isa rin sa bayan ng Reina Mercedes at Dinapigue sa probinsiya ng Isabela habang hindi na ibinigay ang detalye ng isa.

Aniya, naka-isolate ang mga nasabing PUIs sa iba’t-ibang pagamutan sa rehiyon kung saan mahigpit ang kanilang monitoring.

Sinabi ni Atal na may travel history ang mga nasabing indibidwal sa mga bansa na may naitalang kaso ng covid-19 at nakitaan ng sintomas ng virus.

Una rito, sampung katao rin ang unang na-discharged mula sa iba’t-ibang pagamutan sa rehiyon matapos magnegatibo sa nasabing virus.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, muling nagbigay ng paalala si Atal sa publiko na ugaliing maghugas ng kamay, kumain ng masusustansyang pagkain at kung maaari ay iwasan muna ang matataong lugar para makaiwas sa nasabing virus.

Tinig ni Pauline Atal