Nakatanggap ng farm input retail business mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang 90 miyembro ng Samahan ng mga Manggagawa sa Global Heavy Equipment and Construction Corporation (SMGHECC) sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program sa Quezon, Nueva Vizcaya,

Layunin ng programang ito na magbigay ng karagdagang kita at tuloy-tuloy na kabuhayan sa mga miyembro na ang pangunahing hanapbuhay ay ang pagsasaka ng gulay.

Ibinahagi ni President Benjamin Licayan ng naturang korporasyon ang kanyang pasasalamat, dahil mahirap at magastos umano dahil bumibiyahe pa ng malayo para makabili ng mga kailangan nilang sa pagsasaka

Aniya malaking tulong ang naipagkaloob sa kanilan ata maraminang matutulongan at nakikinabang dito.

Maliban sa mga miyembro ng unyon, 25 na magulang at guardian naman ng mga child laborers sa Alfonso Castañeda ang tumanggap din ng kabuhayan packages.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod pa dito, sumailalim din ang mga benepisyaryo sa Business and Work Improvement Course upang mapahusay ang kanilang kasanayan sa pamamahala ng negosyo.

Dumalo sa awarding ceremony sina Quezon Mayor Dolores Binwag at Alfonso Castañeda Mayor Wilson Capia-ao, na parehong nagpasalamat sa DOLE sa kanilang tulong para sa pag-unlad ng kabuhayan ng kanilang mga nasasakupan.

Pinayuhan namn ni DOLE Nueva Vizcaya Head Elizabeth Martinez, na Pakaingatan at palaguin ang naibahaging tulong upang mapabuti ang kanilang pamumuhay. Kasabay ng pag-unlad, na sanay makapagbigay din ng trabaho sa kanilang kapwa sa hinaharap.”

Samantala umabot sa higit 2.19 milyong piso ang kabuuang halaga ng tulong na ipinagkaloob sa samahan ng mga magsasaka