TUGUEGARAO CITY-Nagpatayo ng isang village na tinawag na “happy ville” ang tropa ng 95th Infantry Battalion Philippine Army bilang tulong sa mga miembro ng mga sumukong rebelde sa kanilang hanay.
Bukod sa benipisyo mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-clip) na natanggap ng mga sumukong rebelde mula sa pamahalaan , nag-ambagan din ang miembro 95th IB para maipatayo ang Village.
Mayroong dalawang housing facilities na may kusina at palikuran ang village kung saan maaari ring magsagawa ng backyard gardening ang mga rebel returnees.
Layon ng pagpapatayo ng “happy ville’ na maipadama sa mga sumukong rebeldeng grupo ang pagkalinga ng pamahalaan.
Sa ngayon, nasa 54 na mga sumukong miembro ng makakaliwang grupo kasama ang kanilang pamilya ang nasa kustodiya ng 95th IB sa bayan ng San Mariano, Isabela.