Namahagi ng transistor radio ang 98th infantry battlion, Philippine army kasabay ng isinagawang community outreach acitivity sa brgy mabiga, conner, apayao.
Bukod pa dito, namigay din ang tropa ng mga school supplies at nagsagawa ng information education campaign at pagtatanim ng mga puno ng prutas.
Isinagawa ng kasundaluhan ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng conner, mga local officials at mga Kabataan.
Ayon sa 98th infantry battalion, ang pamamahagi ng mga transistor radio ay bahagi ng pangako ng mga otoridad na mapabuti ang access sa mahahalagang impormasyon ng mga residente sa mga malalayong lugar.
Inihayag ng mga kasundaluhan na ang mga radyong ito ay magbibigay-daan sa mga residente, partikular sa mga walang regular na access sa mga modernong teknolohiya ng komunikasyon, na manatiling may kaalaman tungkol sa mahahalagang lokal at pambansang isyu.
Kasabay ng pamamahagi, isang Information Education Campaign ang isinagawa upang turuan ang komunidad sa mga pangunahing paksa tulad ng kalusugan at kalinisan, kapayapaan at seguridad, at ang mga mapanlinlang na recruitment scheme ng Communist Terrorist Group.
Nilalayon ng IEC na bigyan ang mga residente ng kaalaman na kailangan para makagawa ng matalinong mga desisyon at palakasin ang katatagan ng komunidad.
Karagdagan pa sa mga aktibidad ay ang pagtatanim ng mga puno ng prutas na naglalayong maisulong ang environmental protection at maaaring pagkakitaan at pagkuhanan ng pagkain ng mga mamamayan sa hinaharap.
Aktibo naman na nakibahagi dito ang mga residente.
Binigyang-diin ni Lieutenant Colonel Feliver Indab, Acting Commanding Officer ng 98th Infantry Battalion ang kahalagahan ng pinagsama-samang pagsisikap na ito sa pagbuo ng isang mas malakas at more self-reliant community.