TUGUEGARAO CITY- Mangangailangan ng 1,000 na karagdagang contact tracers dito sa Region 2.

Sinabi ni Jonathan Paul Leusen, director ng Department of Interior and Local Government o DILG Region 2 ito ang ibinabang bilang ng kanilang centro office.

Ayon sa kanya, 300 ang kailangan sa Cagayan, 495 sa Isabela, 199 sa Nueva Vizcaya, 4 sa Quirino, isa sa Batanes at isa ang magiging coordinator sa Region 02.

Sinabi niya na magtatrabaho sa kanilang mga probinsiya ang mga makukuhang contact tracers maliban lang kung kailangan na ipadala ang contact tracer sa ibang lalawigan.

Idinagdag pa ni Leusen na ang mga kukunin na contact tracers ay graduate ng medical allied courses at criminology.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi pa niya na P18,000 hanggang P20,000 ang sahod ng mga contact tracers.

Kaugnay nito, sinabi ni Leusen na ang Department of Health naman ang magsasanay sa mga kukuning contact tracers.

Maaari lamang na mag-apply sa kanilang tanggapan.