
Muling haharap si Alex Eala sa kaibigan at American tennis star na si Iva Jovic sa third round ng US Open, kung saan target ng Filipina ace ang una niyang panalo laban dito.
Dalawang beses nang nagharap sina Eala at Jovic ngayong taon at kapwa natalo ang Pinay sa French Open at WTA London. Tinalo rin siya ni Jovic, 6-3, sa kanilang exhibition match sa “Stars of the Open” noong nakaraang linggo.
Magkakaibigan sa labas ng court ang dalawa at naging magkakampi pa sa doubles. Ngunit sa kanilang laban sa Arthur Ashe Stadium, puwesto sa Round of 16 ang nakataya. Pareho ring nagmula sa straight-set wins ang dalawa sa kanilang unang dalawang laban sa torneo.










