
Sinabi ni dating Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang na kailangang magkahiwalay na ideklara sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN ang cash on hand at cash in bank ng mga opisyal ng gobyerno.
Ayon kay Tang, nakasaad ito sa Section 8 ng Republic Act 6713 at hindi maaaring isama o i-lump ang cash sa iba pang personal properties.
Gayunman, sinabi niyang hindi niya itinuturing na “unusual practice” ang paglalagay nito sa ibang asset category, pero labag ito sa itinakdang probisyon ng batas.
Ipinaliwanag din ni Tang na sa ilalim ng review and compliance procedure ng RA 6713, nabibigyan ng pagkakataon ang isang opisyal na itama ang anumang pagkukulang sa kanyang SALN.
Naungkat ito matapos kwestiyunin ang kawalan ng deklaradong cash on hand at cash in bank sa mga SALN ni Vice President Sara Duterte mula 2019 hanggang 2024.


