Igagalang umano ng Indonesia ang anumang magiging desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. tungkol kay Mary Jane Veloso, ayon sa Department of Justice o DOJ.

Ayon kay Justice Undersecretary Deo Marco, malinaw sa Indonesia na igagalang nito ang pasya ng Pangulo matapos mailipat si Veloso sa Pilipinas noong 2024.

Samantala, sinabi ni Justice Undersecretary Nicholas Ty na sa ilalim ng kasunduan ng Pilipinas at Indonesia, ang pagpapatupad ng sentensya ni Veloso sa Pilipinas ay saklaw na ng mga batas at proseso ng bansa, kabilang ang pagbibigay ng clemency.

Matatandaang pinagkalooban ni Marcos si Veloso ng absolute pardon noong nakaraang linggo, matapos itong makulong sa Pilipinas kasunod ng ilang taong pagkakadetine at pagkakaharap sa death penalty sa Indonesia kaugnay ng kasong droga.