
Nakararanas ng mabagal at intermittent na internet connection ang ilang bahagi ng bansa matapos mag-offline ang isang segment ng undersea cable na nag-uugnay sa Pilipinas at Singapore.
Ayon sa University of the Philippines Diliman Network Helpdesk, naapektuhan ang ilang internet service provider dahil karamihan sa kanilang upstream connection ay dumadaan sa mga pangunahing undersea cable.
Dahil dito, maaaring makaranas ng disconnection at mabagal na internet, lalo na sa mga website at platform na naka-host sa ibang bansa.
Samantala, sinabi ng internet service provider na Padecoinc na down din ang cable segment sa pagitan ng Pilipinas at Hong Kong, na nakaaapekto umano sa overall capacity at global internet connectivity.




