Aabot sa P190 million ang sinasabing laman ng mga bank accounts nina Vice President Sara Duterte at Atty. Mans Carpio.

Ito ang nais patunayan ng prosecution team sa pagharap ng unang dalawang testigo mula sa Landbank of the Philippines na sina branch managers Eunice Sumatra ng San Pedro Davao at Racquel dela Cerna ng R. Magsaysay Davao.

Ang halagang ito ay hindi nakadeklara sa Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Duterte na nakakalat sa hindi bababa sa 30 mga bank accounts sa walong bangko.

Tinukoy ni private prosecutor Atty. James Ibrahim Alih na may mga balanse sa bangko sina VP Sara at Atty. Carpio kung saan noong 2022 mayroong balanse na P59 million; 2023 na P71 million; 2024 na may balanseng P22 million; at noong 2025 P35 million.

Iginiit ni Ali na kahit paulit-ulit ang pagtutol ng depensa sa presentasyon sa mga numero ay hindi ito mababago at kung tama at magtugma ang lahat ay walang dapat na ikatakot.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod sa Landbank, kasama sa mga ipinasubpoena ng impeachment court ang Asia United Bank (AUB), Philippine Savings Bank (PSBank), Metrobank, Security Bank, Bank of the Philippine Islands (BPI), Philippine National Bank (PNB), at Banco de Oro (BDO).