Makikipagpulong si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla sa mga miyembro ng True Brown Style o TBS sa Cavite sa susunod na linggo, kasunod ng crackdown ng mga awtoridad laban sa ilang miyembrong iniuugnay sa ilegal na aktibidad.

Ayon kay Remulla, ilalatag niya sa grupo ang polisiya ng pamahalaan at umaasa siyang maresolba sa pamamagitan ng pag-uusap ang mga isyu.

Gayunman, sinabi ng kalihim na magpapatuloy ang operasyon laban sa mga TBS member na sangkot umano sa mga paglabag sa batas.

Ayon kay Remulla, 13 miyembro ng TBS ang naaresto kamakailan kaugnay ng iba’t ibang kaso, kabilang ang droga, illegal possession of deadly weapons at pagnanakaw.

Samantala, nanawagan ang TBS Worldwide na huwag lahatin ang kanilang mga miyembro dahil hindi umano lahat ng may kaugnayan sa grupo ay sangkot sa krimen.

-- ADVERTISEMENT --