Pinalawig ng Philippine Airlines o PAL ng anim na buwan ang travel period ng Great Mabuhay Miles Gateway promotion para bigyan ng mas maraming panahon ang mga miyembro na mag-book ng flights gamit ang discounted mileage rates.

Sakop na ngayon ng promo ang mga biyahe mula Oktubre 15, 2026 hanggang Setyembre 30, 2027, mula sa dating hanggang Marso 31, 2027.

Hanggang Oktubre 12, 2026 naman maaaring mag-redeem ang Mabuhay Miles members ng flights sa discounted rates na hanggang 50% off, depende sa available na upuan.

Hanggang 50% ang discount sa mileage redemption para sa domestic destinations, ASEAN countries, Middle East at ilang international routes.

May 40% discount naman para sa Japan, South Korea at Greater China, habang 30% ang discount para sa Australia, United States at Canada.

-- ADVERTISEMENT --