
Iginiit ni Senate President Sherwin Gatchalian na dapat lumitaw sa SALN ni Vice President Sara Duterte ang pinagsamang P96 milyon na joint time deposits nila ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2010.
Sa impeachment trial, kinumpirma ng opisyal ng BPI na nagbukas ang mag-ama ng joint time deposits na nasa P40 milyon at P55 milyon.
Ayon sa prosekusyon, lumago sa P41.72 milyon ang isa sa mga deposito nang mag-mature ito noong Marso 2011, kaya umabot sa P96 milyon ang pinagsamang halaga.
Sinabi ni Gatchalian na hindi niya nakita ang naturang halaga sa SALN ni Sara Duterte para sa 2010 at 2011, at nais niyang makita kung may pattern sa paglipat ng pondo.
Ayon naman sa depensa, walang lagda ni Sara sa mga transaksiyon at si Rodrigo Duterte ang nagsagawa ng mga ito.
Gayunman, sinabi ni Gatchalian na may pirma umano ang bise presidente sa signature card ng joint account.










