Nanatiling prayoridad ng Kamara ang edukasyon at kalusugan sa panukalang pambansang badyet para sa 2027.

Ayon kay House Appropriations Committee Chairperson Rep. Mikaela Angela B. Suansing, naglaan ng P1.107 trilyon para sa sektor ng edukasyon, kabilang ang karagdagang P10.055 bilyon para sa mga programang pang-edukasyon, tulong pinansyal sa mga estudyante, at pagpapahusay ng mga pasilidad ng paaralan.

Samantala, nadagdagan naman ng P12.23 bilyon ang pondo para sa kalusugan, kaya aabot ito sa P358.82 bilyon.

Kabilang dito ang P23.97 bilyon para sa Medical Assistance Program na layong palawakin ang tulong medikal at mabawasan ang gastusin ng mga pasyente at kanilang pamilya.

Ang panukalang badyet ay inaprubahan ng Kamara sa ikalawang pagbasa.

-- ADVERTISEMENT --