Isinailalim sa military training ni Ethiopian Prime Minister Abiy Ahmed ang lahat kaniyang mga cabinet ministers at ilang senior government officials.

Kabilang dito sina Speaker of the House of Federation Muferiat Kamil, Finance Minister Fitsum Assefa at Health Minister Mekdes Daba.

Sinabi ni Ahmed na layon nito ay para maging physically fit, morally strong at intellectually capable ang mga opisyal ng gobyerno niya.

Naniniwala kasi ito na ang military discipline ay nagbibigay ng mahalagang aral sa disiplina, patriotism, teamwork, accountability at leadership.

Nangyari ang pagsasanay matapos ang naganap na security challenges kabilang ang patuloy na labanan sa bahagi ng northern Tigray region,kaguluhan sa Amhara at insecurity sa Oromia.

-- ADVERTISEMENT --