Makakaharap ni Pinay tennis star Alex Eala sa unang round ng Hong Kong Tennis Open si Alycia Parks ng US.

Magsisimula ang nasabing torneo sa araw ng Lunes, Nobyembre 2.

Ito na ang pangatlong pagkakataon na maghaharap ang dalawa ngayong season.

Sa unang paghaharap ay nagwagi si Parks sa Australian Open.

Nakabawi naman si Eala sa pangalawang paghaharap nila sa National Bank Open sa Toronto.

-- ADVERTISEMENT --