Umarangkada sa Hong Kong Tennis Open si Filipina tennis star Alex Eala matapos talunin ang Australian player na si Emerson Jones sa kanilang Round of 32 match nitong Martes.

Nakuha ni Eala ang panalo sa straight sets, 6-4, 6-3, upang makapasok sa Round of 16 ng WTA 250 tournament.

Susunod niyang makakaharap ang Czech player na si Tereza Valentova sa Nobyembre 5, bagama’t hinihintay pa ang opisyal na kumpirmasyon sa iskedyul ng kanilang laban.