Tuguegarao City- Nakatakdang magsagawa ng preemptive evacuation ang bayan ng Calayan bilang paghahanda sa posibleng pananalasa ng bagyong Sioni sa Cagayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mayor Joseph Llopis, aabot ng hanggang 250 families na mula sa mga low lying areas ang identified na dadalhin sa mga evacuation centers.
Aniya, nagsagawa na ng pagpupulong ang kanilang tanggapan kasama ang Local Disaster Risk Reduction Management Council kasama ang iba pang ahensya upang mapaghandaan ang epekto ng bagyo.
Tiwala naman ang alkalde na kakayanin ng kanilang lalawigan ang anumang epekto ng bagyo dahil marami na rin ang malalakas na bagyo ang nanalasa sa kanilang lugar.
Bagamat hirap ang mga barko na makapalaot upang makakuha ng mga stocks ay tiniyak nito na mayroon silang sapat na mga supply ng pagkain at pangunahing mga pangangailangan.
Sa ngayon ay hindi na aniya nila pinapayagang pumalaot pa ang mga mangingisda upang makaiwas sa anumang mga insidente sa dagat.