Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang pagkakakilanlan ng may-ari ng inabandonang sawn lumbers sa Brgy Peru, Lasam, Cagayan.

Ayon kay PMSGT Ariel Cortez, imbestigador ng PNP-Lasam, nagsagawa ng preventive patrol ang pulisya sa naturang bayan at nang makarating sa naturang Brgy ay tumambad ang mga inabandonang tatlong piraso ng G. Melina, malapit sa ilog.

Ito ay may kabuuang sukat na 125 board feet na may tinatayang halaga na mahigit P6K.

Hinala ng pulisya na bagong putol lamang ang mga punongkahoy na nakita rin malapit sa kabundukan ng naturang barangay na posibleng para sa paggawa ng bahay.