Tiwala ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) na makakauwi ng gintong medalya ang boksingero ng bansa na sasabak sa Paris Olympics.
Sinabi ABAP secretary-general Marcus Manalo na sa limang boksingero na isasabak ng bansa sa 2024 Paris Olympics ay may malakas na tsansa ang bansa na makasungkit ng unang ginto nito sa boxing.
Ang boxing kasi ay siyang nagdala ng maraming medalya sa Olympics kung saan umabot sa walo na kinabibilangan ng apat na silver at apat na bronze.
Ipinagmalaki pa ni Manalo ang mga boksingero ng bansa ay may sapat na kakayahan dahil sa dumaan ang mga ito sa tamang ensayo.
Magugunitang napili na sasabak sa Paris Olympics sa buwan ng Hulyo ay sina Tokyo silver medalists Carlo Paalam sa men’s 57kg at Nesthy Petecio sa women’s 57kg, bronze medalist Eumir Marcial (men’s 80kg), ganun din ang mga first timer Olympians Hergie Bacyadan sa women’s 75kg at Aira Villegas para sa women’s 50kg.